Pag-aabuso sa mga kababaihan.

 Sa kahit anong panahon ay hindi nawawala ang karahasan at pananakit sa mga kababaihan . Maraming parte sa nobela isinaad ni Rizal ang iba’t ibang halimbawa ng pang-aabuso na nararanasan ng mga kababaihan sa kamay ng kanilang mga asawa at mga pare noong panahon naiyon. Isang halimbawa si Sisa. Siya ay biktima ng pananakit mula sa kanyang asawa na walang ginawa kundi magsugal, magpagala-gala sa lansangan. Ito rin ay tamad at iresponasableng asawa at tatay sa mga anak nito. Si Maria Clara rin ay hinalay naman ni Padre Salvi sa kumbento ng Santa Clara.- May dalawang kababaihan din sa kuwento ang hindi nakaligtas dito. Ang mag-inang sina Pia Alba at Maria Clara ay parehong nakaranas ng panghahalay mula sa mga pare. Hinalay ni Padre Damaso si Pia Alba na kalaunan ay nagbunga, ito ay si Maria Clara. Hanggang ngayon ay marami paring mga ganitong pangyayari ngunit mas marami na ang lumalaban ng kanilang karapatan.

Nuon pa lamang ay dapat ng pinaglaban ng kababaihan ang kanilang karapatan. Karamihan ay naaabuso dahil sila din ay nagpapa abuso. Upang mawala ang ganitong isyu ay dapat magka isa ang mga kababaihan. Hindi dapat mangingibabaw ang inggit. At ang pinaka importante sa lahat ay ang paggalang sa sarili. Ito ang  puno’t dulo ng lahat. Dapat may respeto tayo sa ating sarili bago tayo humingi ng respeto sa iba. Ang isang indibidwal ay siyang dapat nagtataglay ng pag galang at respeto sa kanyang sarili, sa kanyang pagkatao at siya bilang isang tao. Ngunit sa paglipas ng panahon tila ba ang konseptong ito lalo't higit sa mga kababaihan ay nawawala. Ang iba ang nakakalimutan ang halaga na binigay ng Diyos sa kanila. Kaya kung naaabuso tayo, ika nga nila PAG NASA KATWIRAN, IPAGLABAN. 


Ang tanging magagawa ko ay sumali sa mga kampanya na ang reporma  ukol samga karapatan sa pag-aanak, domestikong karahasan, or karapatan ng mga kababaihan. Dahil uso na rin and social media ngayon ayu gagamitin ko ito upang mag tayo ng grupo. Pangalawa ay makinig and bigyan ng seguridad ang mga biktima ng pang aabuso kaysa sabihan ng “bakit hinayaan nila itong mangyari sa kanila” ay dapat sabihan na “Nandito lang kami, Makapagtiwalaan at lageng nasa tabi. At akin ding hikayatin ang aking mga kaibigan na lalaki kung ano ang halaga ng kababaihan. Ipapasa ko ang aking natutunan sa mga kabataan ang sa mga sumunod na henerasyon. Pag aaralan ko ang mga tanda ng pag aabuso at pano ako makatulong. Para sa akin ay mahalaga din na pag aralan ang mga signs ng pag aabuso upang mas maging alerto ako sa aking paligid.  Sa panahoin ngayon, pansin ko na kahit kapwa babae ay mas ito pa ang unang umaabuso. At bilang isang babae, iiwasan ko na mag hilahin pababa ang kapwa ko kababaihan. Gaganyakin ko ang lahat na magka isa at bigyang respetuhin ang bawat isa.

Comments